Nakapagtala ang Land Transportation Office (LTO) – National Capital Region ng mahigit 3,000 motorista na lumabag sa Traffic Laws sa third quarter ng 2023.
Sinabi ni LTO Regional Dir. Roque Verzosa III na nasa 587 indibidwal ang bilang ng mga kabuuang motorista na nag-ooperate ng motor vehicles na may sirang accessories, devices, at equipments, na violation sa Republic Act (R.A) 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.
Dahil dito, hinimok si Verzosa ang mga may-ari ng mga sasakyang may depektibong accessories na agad itong ayusin o palitan upang matiyak ang kaligtasan ng sarili at maging ng mga pasahero. —sa panulat ni Airiam Sancho