Nagpahayag ng pakikiramay si Palestinian Ambassador to the Philippines Saleh Mohammad sa mga Pilipino hinggil sa pagkamatay ng apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel kasunod ng pag-atake ng militanteng Hamas sa lugar.
Sinabi ni Mohammad na mariing kinokondena ng Palestinian Authority ang pagpaslang sa mga sibilyan dahil sumasalungat ito sa moral, relihiyon, at international laws.
Batid rin aniya ng Palestinian envoy ang hirap na kasalukuyang nararanasan ng mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay, at mga umaasa na mahahanap ang mga nawawala pang indibidwal.
Nanawagan naman ng panalangin si Mohammad para sa mga biktima na hawak o hostage ng Hamas sa naturang bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho