Sanib-pwersang kinondena ng Association of Southeast Asian Nations at Gulf Cooperation Council ang pag-atake sa mga sibilyan sa harap ng digmaan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Sa kauna-unahang ASEAN-GCC Summit sa Saudi Arabia na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nanawagan ang mga lider sa pagpapalaya sa mga hinostage na sibilyan at paghinto ng bakbakan.
Ipinanawagan din sa lahat ng dawit na partido ang pag-protekta sa mga sibilyan at pagbibigay-daan sa humanitarian aid.
Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na labis na nababahala ang Pilipinas sa patuloy na lumolobong bilang ng mga biktima ng giyera.
Mababatid na apat na Pilipino na ang kumpirmadong namatay sa gitna ng Israel-Hamas War. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News