dzme1530.ph

Isyu sa mental health, dapat nang pagtuunan ng pansin ng gobyerno

Sa layuning mapalakas ang mga hakbangin sa pangangalaga ng mental health ng mga Pinoy, inirekomenda ni Sen. Sonny Angara ang pagkakaroon pa ng mas maraming parke, recreational facilities at open spaces sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni Angara na batay sa datos ng Department of Health, nasa 3.6 milyong Pilipino ang nakararanas ng mental, neurological at substance use disorders.

Malinaw itong batayan na hindi maaaring balewalain ang isyu sa mental health.

Subalit aminado ang mambabatas na ito ay usapin na hindi mareresol ba nang mabilisan kaya’t malaking tulong ang mga dagdag na parke, recreational at sports facilities gayundin ang open spaces sa urban planning.

Inirekomenda ni Angara sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na idagdag sa sa kanilang menu ang pagdevelop ng mga parke at recreational facilities lalo pa’t halos natapos na ang malalaking proyekto para sa mga kalsada.

Ang layunin anya nito ay mahikayat ang mamamayan sa physical activities at interaction sa iba pang tao sa halip na nakakulong sa kanilang mga tahanan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author