dzme1530.ph

Pagpapatuloy ng hazing sa kabila ng mahigpit na batas laban dito, ikinabahala

Nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Jinggoy Estrada sa patuloy na insidente ng hazing sa kabila ng pagpapatupad ng mas mahigpit na batas laban dito.

Kasunod ito ng hazing incident na ikinasawi ng Philippine College of Criminology student na si Ahldryn Bravante.

Iginiit ng senador na nakakagalit malaman na mayroon pa ring mga kabataan na malalakas ang loob na magsagawa ng mali at mapanganib na gawain sa ngalan ng tinatawag nilang kapatiran.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi kailanman sukatan ang karahasan para maging bahagi ng anumang organisasyon.

Umapela naman si Estrada sa mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon sa kasong ito at panagutin ang mga suspek.

Dapat anyang ibigay ang nararapat na hustisya para sa biktima at sa kanyang pamilya at iparamdam sa mga suspek ang buong pwersa ng batas nang hindi na tularan o maulit ang ganitong insidente.

Ang ganito anyang trahedya ay paalala na kailangan nang burahin sa mga educational institutions at sa komunidad ang hazing. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author