Isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang proteksyon ng karapatan ng Overseas Filipino Workers, sa kanyang official trip sa Saudi Arabia.
Sa kanyang departure speech sa Villamor Airbase sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na ang dadaluhan niyang Association of Southeast Asian Nations – Gulf Cooperation Council Summit ay magsisilbing magandang pagkakataon upang palakasin ang OFW Rights Protection.
Tiniyak din nito ang patuloy na pagtataguyod sa national interest at well-being ng mga Pilipino.
Samantala, makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino Community sa Riyadh upang sila ay pasalamatan para sa kanilang hindi matutumbasang kontribusyon, at upang ikwento sa kanila ang mga development sa Pilipinas.
Sinabi ni Marcos na tinatayang nasa 2.2 million ang mga Pilipinong nagta-trabaho sa mga bansang miyembro ng GCC, kabilang ang Saudi Arabia. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News