dzme1530.ph

DFA, tiniyak na walang Pinoy na nasaktan o nasawi sa airstrikes ng Israel sa Gaza-Egypt border

Walang Pilipino na nasaktan o nasawi sa airstrikes na inilunsad ng Israel sa border ng Gaza at Egypt sa Southern Gaza, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Nilinaw ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na malayo sa foreign nationals na naghihintay na makatawid sa border tumama ang airstrikes.

Sinabi ni de Vega na una nang tiniyak sa kanila ng Israel na wala silang intensyon na masaktan ang mga Pinoy, at ito ang kanilang pinanghahawakan.

Hanggang sa kasalukuyan aniya ay naghihintay pa rin sila ng impormasyon kung kailan bubuksan ang Gaza-Egypt border dahil ang Israel ang mayroong kontrol sa Rafah border.

Nagsumite na sa gobyerno ng Egypt ang Philippine Embassy ng pangalan ng mga Pilipino sa Gaza upang magarantiyahan ang kanilang ligtas na pagtawid. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author