dzme1530.ph

Comelec may paalala sa mga kandidato ngayong eleksiyon

Binalaan ni Commission on Elections Chairman George Garcia ang mga kandidato laban sa maikukunsiderang vote buying o pagbili ng boto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa panayam ng DZME 1530 – Radyo Uno kay Comelec Chair Garcia, pinaalalahanan nito ang mga kandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakain bago, habang at pagtapos ng kampanya at sundin ang itinakdang sukat para sa ipapaskil na campaign materials.

Ipinagbabawal din aniya ng COMELEC ang pamamahagi ng mga ballers, damit, caps o sumbrero, at iba pang campaign paraphernalia na may pangalan at logo ng kandidato sa darating na bske.

Nakapag-labas na rin aniya ang Comelec ng guidelines kung saan magpi-pressume ang ahensiya kung sangkot ang kandidato sa vote buying.

Halimbawa nalang aniya rito kung kumuha ng 50 watcher ang kandidato na dapat dalawa lang, maaktuhan ang isang taong nagpapaikot-ikot sa barangay na may dalang indelible ink, gayundin kung may mga taong nakapila sa bahay ng kandidato.

Sa ngayon ayon kay Garcia mayroong pitong libo ang na-isyuhan ng show cause order sa pre-mature campaigning, nasa 200 ang disqualification cases na naka-reserve bago ang eleksiyon, at 72 kaso ng vote buying.

About The Author