Nadagdagan pa ang grupo ng mga kongresista na nagpahayag ng suporta kay House Speaker Martin Romualdez na inaatake dahil sa paglipat ng P1.23-B confidential funds.
Sa joint statement ng 12 kongresista ng Cebu at Bohol, sila umano ay naninindigan at nagkakaisa sa likod ng ‘dynamic at transparent’ leadership ni Spkr. Romualdez.
Tinukoy ng Visayan legislators ang ilan sa makabuluhang panukala na pinagtibay ng Kamara gaya ng Trabaho Para sa Bayan Act, Regional Specialty Centers, at One Town One Product Act na lahat nakakatulong sa ekonomiya ng bansa.
Sa pamumuno rin ni Romualdez mabilis naipinasa ang House Bill No. 8980 o 2024 General Appropriations Bill, na siyang katuparan ng Medium Term Fiscal Framework, 8-Point Socioeconomic Agenda, at Phil Development Plan of 2028.
Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ay sina Cebu Reps. Emmarie Ouano-Dizon ng Mandaue City, Eduardo Rama, Jr. ng 2nd Dist., Sony Lagon, Ako Bisaya, Maria Cynthia Chan ng, Lapu-Lapu City, at Deputy Spkr. Raymond Democrito Mendoza ng TUCP.
Lumagda rin ang tatlong kinatawan ng Bohol na sina Reps. Eduardo Chatto, Maria Vanessa Aumentado, at Kristine Alexie Tutor. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News