Hindi palalampasin ng Kamara de Representantes ang gumawa ng hacking sa website nito.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, naibalik na sa normal ang operasyon ng website, subalit nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa tulong ng kinauukulang law enforcement agencies.
Ito ay para kilalanin at papanagutin sa batas ang nasa likod ng breach.
Nangyari ang hacking isang araw matapos atakehin ni ex-Pres. Rodrigo Duterte ang Kamara.
Nagawang mapasok ng hacker ang URL congress.gov.ph at pinalitan ang nilalaman ng official website.
Inilagay din ang mga katagang “You’ve been hacked, Have a nice day” kalakip ang larawan ng isang lalaking tumatawa, Happy April fullz kahit October pa lang hacked by 3musketeerz.
Tiniyak din ni Velasco na palalakasin nila ang depensa laban sa cyberattakers upang hindi na ito maulit pa. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News