dzme1530.ph

Gaza nakaranas muli ng mga pagsabog

Muling niyanig ng mga pagsabog ang Gaza Strip mula sa air strikes ng Israel habang naka-poste na ang Israeli forces sa border nito para sa kanilang ground offensive laban sa militanteng grupong Hamas.

Nagtapos na ang 24-oras na deadline na ibinigay ng Israel para lisanin ng mga taga-Gaza City ang kanilang mga tahanan.

Ang mga nakalikas naman ay nagtitiis dahil sa kawalan ng pagkain, tubig, krudo at kuryente habang aandap-andap din ang komunikasyon at internet.

Lagpas 2,000 na ang nasawi sa gaza, at sa mga napulbos na gusali, marami ang nalibing kasama ang mga bata at sanggol.

Sa pagsusuri ng Israeli Forensic Team, marami sa mga bangkay ang nakitaan ng senyales ng torture, panggagahasa, at iba pang pagpapahirap. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author