dzme1530.ph

Anti-illegal drug strategy ng Marcos Administration, makatao ayon sa isang mambabatas

Ipinagtanggol ni Iloilo Rep. Janette Garin, ang bloodless anti-illegal drug campaign ng kasalukuyan administration.

Ayon kay Garin, sa 16 na buwan ng Marcos administration naharang nito ang pagkalat ng 4.4 tonelada ng shabu na umaabot sa P30-billion ang halaga.

Ang kapuri-puri nito ayon sa deputy majority leader, sa dami ng nasakoteng droga wala ni isang drug user, peddler o trafficker ang namatay.

Aniya, ang kagandahan ng anti-drug strategy ni PBBM ay nakabatay hindi lang sa efficacy kundi tinitiyak na ito ay makatao.

Siniguro rin ni Garin na ang gobyerno ngayon ay hindi lang naka bantay sa small-time drug users at street pushers kundi maging sa major importers at suppliers ng illegal na droga.

Kasabay nito nanawagan ang kongresista sa taumbayan na samahan si Pang. Marcos sa kampanya nito para linisin sa illegal na droga ang bansang Pilipinas. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author