Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nagkaroon ng hindi otorisadong pag-access sa website ng Kamara de Representantes kahapon araw ng linggo.
Ayon kay Velasco, agad silang gumawa ng hakbang at nakipag-ugnayan sa DICT, CICC o Cybercrime Investigation and Coordinating Center at law enforcement agencies para sa kinakailangang imbestigasyon.
Pinayuhan din ni Velasco ang publiko na maging maingat at mapanuri sa ano mang email o kumunikasyong matatanggap na sinasabing galing sa House of Representatives.
Gayunman, tiniyak nito na ginagawa nila ang lahat upang matiyak ang security at integrity ng kanilang digital platform at hindi na ito maulit pa.
Siniguro din ni Velasco na ipaaalam nila sa publiko ang ano mang update kapag naging malinaw na ang imbestigasyon. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News