Niyanig ng Magnitude 5 na lindol ang Calaca, Batangas kaninang alas-8:24 ng umaga.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang episentro ng lindol sa layong limang kilometro sa kanluran ng Calaca.
May lalim ang lindol na 14 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang Intensity 5 sa Lemery, Batangas.
Intensity 4 sa Ibajay, Aklan; Cuenca, Bauan, Sta.Teresita, San Luis, Batangas; Tagaytay City, Cavite; at Muntinlupa City, Metro Manila.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Culasi, Antique, Laurel, Batangas City, Batangas; Dolores, Quezon; at Donsol, Sorsogon
Intensity 2 naman sa Talisay, Rosario, Batangas; Magallanes, Cavite; Boac, Marinduque; Las Piñas, Pasay City, Metro Manila; Rosario, Northern Samar; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Mauban, Polillo, Gumaca, Quezon; at Taytay, Antipolo, Rizal.
Habang Intensity 1 sa Dinalupihan, Bataan; Malvar, Batangas, Malolos City, Guiguinto, Bulacan; Ternate, Cavite; Cebu City, Cebu; Candon, Ilocos Sur; San Pablo, Laguna; Tubod, Lanao Del Norte; Malabon City, Pateros, San Juan City, Paranaque City, Metro Manila; Abra De Ilog, Mamburao, Occidental Mindoro; Bani, Pangasinan; Lucban, Lucena City, Alabat, Quezon; Tanay, Rizal; at Tupi, South Cotabato.
Samantala, inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.