Hindi makaaapekto sa presyo ng mga bilihin ang nagaganap na digmaan sa Israel, ayon kay Go Negosyo Founder Joey Concepcion.
Paliwanag ni Concepcion, hindi naman marami ang ini-import ng Pilipinas sa Israel at kung maipluwensyahan man aniya ang oil prices dahil malapit lang ang kaguluhan sa oil-producing countries, ay kumpiyansa pa rin siya na halos pareho pa rin ang presyo ng mga bilihin
Idinagdag din ni Concepcion na mayroong sapat na supply ang bansa ng raw materials hanggang sa ikalawang quarter ng susunod na taon.
Pinayuhan nito ang publiko na huwag masyadong mag-alala sa trading at economic side effects ng giyera. —sa panulat ni Lea Soriano