Isiniwalat ng Department of Science and Technology (DOST) na nakaranas din ng data leak ang kanilang OneExpert portal.
Sa statement, sinabi ng DOST na ni-report ng Philippine National Computer Emergency Response Team (CERT-PH) ang security incident noong Aug. 31, 2023, at kinasasangkutan ito ng OneExpert website.
Batay sa kanilang imbestigasyon, isang compromised account ang posibleng ginamit para ma-access ang site.
Inihayag ng DOST na nagpatupad na sila ng mga kaukulang aksyon upang matugunan ang insidente, naglagay na rin sila ng additional security measures, at naibalik naman agad ang normal na operasyon ng website.
Gayunman, inamin ng ahensya na mayroong ilang datos na katulad ng nasa site ang kumalat online, gaya ng ilang publicly listed names ng technical experts, kanilang email addresses, pati na ang mga gumagamit ng email addresses. —sa panulat ni Lea Soriano