Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang scheme sa Bureau of Immigration kung saan ang mga blacklisted na indibidwal ay maari pa ring maglabas-masok sa bansa.
Sa media briefing, sinabi ni Remulla na batay sa nakalap nilang impormasyon, P150-K ang presyo ng isang escort service sa blacklisted persons.
Inihayag ng kalihim na nakipagpulong na siya sa B.I. Officials para talakayin ang isyu, kasabay ng pagsasabing nananatili pa rin ang kanyang kumpiyansa kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.
Gayunman, mayroon pa rin aniyang mga bagay na kailangan nilang maresolba mula sa mga problemang dumaan na sa mahabang panahon. —sa panulat ni Lea Soriano