dzme1530.ph

Tigil-pasada ng grupong MANIBELA, tuloy sa Lunes!

Itutuloy ng Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA) ang kanilang planong transport strike sa Lunes, Oct. 16, kahit binawi na ng isang “whistleblower” ang alegasyong katiwalian laban sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ipinaliwanag ni MANIBELA President Mar Valbuena na ang ilulunsad nilang tigil-pasada sa buong bansa ay para tutulan ang December 31 deadline para sa consolidation ng traditional jeepneys bilang bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sinabi rin ni Valbuena na itinuturing nilang blessing in disguise ang paglutang ng whistleblower at malaking bagay sa kanila ang isiniwalat nitong korapsyon sa ahensya.

Gayunman, noong Miyerkules ay binawi ng dating empleyado ng LTFRB na si Jeff Tumbado ang alegasyon nitong katiwalian laban kina Transportation Secretary Jaime Bautista at suspended LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author