Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang world-class controlled-climate poultry farm ng Magnolia sa Hagonoy, Davao del Sur.
Nag-ikot ang Pangulo sa pasilidad na itong unang na-kumpleto mula sa naka-planong 12 poultry megafarm projects sa bansa.
Kasama ng Pangulo si San Miguel Corp. President Ramon Ang.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Marcos na ang bagong poultry farm ay inaasahang makapagbibigay ng nasa 1,000 trabaho, at makatutulong din ito sa micro, small, and medium enterpises (MSMEs).
Makatutulong din ito sa pagtitiyak ng suplay ng pagkain sa harap ng geopolitical challenges.
Ang poultry megafarm ay inaasahang makapagpo-produce ng 80 milyong manok o dalawandaang milyong kilo ng karneng manok kada taon.