dzme1530.ph

Alamin ang mga dahon na nakatutulong para ma-maintain ang blood sugar level

Ang pagkakaroon ng stable na blood sugar level ay mahalaga, lalo na sa mga indibidwal na mayroong diabetes o naghahangad ng balanced lifestyle.

Mayroong ilang mga dahon na maaring makatulong sa pagkakaroon ng blood sugar control, gaya na lamang ng dahon ng ampalaya na nagpapalakas ng insulin sensitivity at glucose utilization.

Ang dahon ng oregano na karaniwang ginagamit na pampalasa ay mayroon ding potential benefits sa pagkontrol ng blood sugar, kaya inirerekomendang isama ito sa diet.

Maaari namang gawing tsaa ang dahon ng mangga at inumin ito ng regular para masuportahan ang blood sugar management. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author