Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na mag-alay ng panalangin kasabay ng tumitinding sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine.
Ayon kay Bishop Rupert Santos, Vice Chairman ng Bishop Episcopal Mission ng CBCP, makatutulong ang sama-samang pananalangin na magkasundo na ang dalawang bansa.
Hiniling din nito ang panalangin para sa kaligtasan ng 39 na Pinoy na kasapi ng Israel Defense Force Reserve na nasa Gaza Strip gayundin ang 30,000 Pilipino na naninirahan sa Israel.
Nanawagan din ang CBCP sa mga Pilipino na nasa conflict area na mag-ingat at makipag-ugnayan sa otoridad para sa kanilang kaligtasan. —sa panulat ni Joana Luna