dzme1530.ph

Binabantayang LPA ng PAGASA, nakapasok na sa PAR

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Visayas.

Huling namataan ang LPA sa layong 860 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA posibleng sumama ang LPA sa sirkulasyon ng Super Typhoon Bolaven na nasa labas ng PAR.

Huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Bolaven sa layong, 2,190 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 265 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo patungong hilaga- hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Samantala, Trough o extension ng LPA pa rin ang magdadala ng mga pag-ulan sa Visayas, malaking bahagi ng Mindanao at ilang lugar sa Luzon.

About The Author