dzme1530.ph

Kaso ng ASF sa bansa, bumababa na!

Bumababa na ang aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa.

Ayon kay De Mesa, sa ngayon, nasa 98 barangay mula sa 19 na probinsya na lamang ang may aktibong kaso ng ASF.

Marami na rin aniyang lugar ang nasa pink o buffer at yellow zones mula sa dating red o infected zones.

Tiniyak din ni ng opisyal na magpapatuloy ang mga ginagawang hakbang ng kagawaran kontra ASF gaya ng pagkontrol sa mga apektadong lugar, biosecurity measures, information campaigns at repopulation ng mga alagang baboy. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author