dzme1530.ph

Pag-aangkat ng baboy ngayong holiday season, pinag-aaralan na!

Ikinukonsidera ng pamahalaan na mag-angkat ng baboy sa bansa ngayong taon.

Ito ay upang maibsan ang nararanasang kakulangan ng suplay ng karneng baboy sa bansa bunsod ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Assistant Secretary Arnel V. De Mesa, tagapagsalita ng Dept of Agriculture, posibleng magkaroon ng 10-day deficit sa suplay ng baboy sa huling bahagi ng taon dahil sa inaasahang pagtaas ng demand sa panahon ng kapaskuhan.

Aniya kahit may surplus ng 10-araw sa ikatlong quarter ang bansa ay maaaring kapusin pa rin ito at kumuha ng karagdagang baboy mula sa ibang bansa.

Hindi pa anila tukoy kung gaano kalaki ang volume ng aangkatin.

Samantala, pinag-aaralan din ng ahensiya kung dapat nang magtakda ng suggested retail price (SRP) sa presyo ng karne ng baboy ngayong holiday season.

 

 

About The Author