Madaragdagan ang pondo ng ilang ahensiya ng pamahalan na tinanggalan ng Confidential and Intelligence funds.
Ayon kay Committee on Appropriations senior vice chairperson Stella Quimbo, hindi na confidential funds kundi Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na lamang.
Kabilang sa mga tanggapan na nadagdagan ang MOOE ay ang mga sumusunod:
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, 30-million,
Department of Information and Communications Technology, 25-million,
Department of Foreign Affairs, 30-million,
Office of the Ombudsman, 50-million, at
Department of Education, 150-million pesos sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE).
Paliwanag ni Quimbo, mas protektado at may seguridad ang pondo sa ilalim ng MOOE kumpara sa confidential funds na hindi subject to audit.
Ibinahagi naman ni Quimbo na si Ombudsman Samuel Martirez ay sumulat sa Kongreso at hiniling na tanggalin ang confidential funds nila subalit idagdag na lamang ito sa MOOE.
Paglilinaw pa nito, marami pang tanggapan ang naapektohan ng re-allignment at errata sa pinagtibay na General Appropriations Bill, subalit hindi naman nagbago ang total ceiling o ang 5.768-trillion pesos 2024 National Expenditure Program (NEP). —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News