Hinimok ng isang consumer advocacy group ang gobyerno na makipag-ugnayan sa pribadong sektor upang mapalakas at mapatatag ang Cybersecurity ng bansa.
Kasunod ito ng nangyaring ransomware attack sa system ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth.
Ayon kay Citizen Watch Philippines co-convenor Kit Belmonte, ang naturang insidente ay magsisilbing paalala na hindi ligtas ang Cyberspace.
Dahil ito sa mga hacker o kriminal na banta sa hangarin ng Pilipinas na lumipat sa digital economy.
Binanggit pa ni Belmonte na ang mga critical infrastructure system tulad ng energy, transportation, finance, water, food, agriculture, healthcare, and emergency response ay umaasa sa Information and Communications Technology upang makapag-operate.
Dahil dito, malaki aniya ang epekto ng Cyberattacks sa seguridad ng publiko, stabilidad ng ekonomiya, at public health.