May ilang mga pagkain na hindi magandang ipares sa lemon dahil maaari itong mag-trigger ng digestive issues at sirain nito ang lasa ng pagkain.
Kabilang sa mga pagkaing dapat iwasang ipares sa lemon ay gatas at dairy products dahil ang pagkonsumo ng mga ito nang sabay ay maaring mag-trigger ng acidic reactions at magdulot ng matinding heartburn at acidity.
Hindi rin magandang ipares ang lemon na acidic in nature sa spicy foods dahil lalo lamang nitong palalabasin ang anghang sa pagkain, at maaring maging dahilan ito para hindi na ma-enjoy ang lasa ng pagkain.
Kapag isinama naman ang lemon juice sa alkaline vegetables, gaya ng spinach, ay maaring mangitim ang dahon at mawala ang matingkad na berdeng kulay nito.
Iwasan ding isama ang lemon sa matatamis na prutas dahil mangingibabaw pa rin ang maasim na lasa nito. Gayunman, makatutulong ang paglalagay ng honey upang mabalanse ang flavors ng mga prutas. —sa panulat ni Lea Soriano