dzme1530.ph

Milyon-milyong katao, naapektuhan ng data breach sa PhilHealth, ayon sa DICT

Inamin ni Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy na milyon-milyong katao ang naapektuhan ng data breach sa system ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sinabi ni Uy na posibleng ibenta ng hackers ang mga ninakaw nilang mga impormasyon sa mga scammer at phishers, lalo na’t hindi nakuha ng mga ito ang dini-demand nilang pera.

Inihayag din ng kalihim na hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga imbestigador kung ang mga hacker ay mga Pilipino o mga dayuhan.

Naniniwala si Uy na hindi maglalakas ng loob ang local hackers dahil nasa loob sila ng hurisdiksyon ng Pilipinas at madaling mahahabol, hindi gaya kung foreigners aniya na nag-o-operate sa ibang bansa na mahirap maidiin sa kaso.

Ayon sa DICT, in-upload ng confucius group ang kopya ng mahigit 600 gigabytes ng files sa isang website at telegram channel noong Oct. 5, dalawang araw matapos mag-expire ang deadline para sa ransom payment na $300,000 o tinatayang mahigit P17-M. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author