Mayorya ng mga Pilipino ang pabor sa pagbuhay ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps Program.
Sa pag-aaral na isinagawa ng Capstone-Intel, isang private research firm sa mahigit 1,200 respondents, lumalabas na 71% ng mga Pinoy ang nagpahayag ng suporta rito, 20% ang hindi sang-ayon, at 8% ang hindi sumagot.
Nanguna sa may pinakamaraming bilang ang BARMM, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao, habang pinakamababa naman sa National Capital Region, Western Visayas, at CALABARZON.
Samantala, kabilang sa mga dahilan ng pagsuporta ng karamihan sa Mandatory ROTC ang pagkakaroon ng disiplina, leadership, at teamwork. —sa panulat ni Airiam Sancho