Kinukumpirma pa ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang ulat na may mga Pilipino sa Israel ang dinukot ng Palestinian militant group na Hamas.
Ayon sa Embahada, kasalukuyan pang inaalam kung mayroong mga Pinoy na nakabase sa Gaza Strip ang nawawala.
Kasunod nito, hinimok ni Department of Foreign (DFA) Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega ang pamilya ng mga OFW sa Israel na agad i-report sa mga otoridad kung hindi nito makontak ang kanilang mga ka-anak.
Sa kasalukuyan nasa ilalim ng “State of War Alert” ang Israel at nakasara na ang Embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa matapos umatake at magpaulan ng rockets ang Hamas.
Dahil dito, inihayag ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na gaganti sila sa teroristang grupo.