Humingi ng paumanhin ang Quezon City Police District (QCPD) Station 14 sa pagkakadawit ni Vice President Sara Duterte sa isang viral video kaugnay sa diumano’y siya ang dahilan ng matinding trapik sa Commonwealth Avenue Westbound sa Quezon City, kahapon, Oktubre 5.
Paliwanag ng QCPD, nag-overreact at nalito lang ang pulis na kinilalang si Sgt. Pantallano nang marinig na may paparating na VIP sa kanyang post.
Ayon naman kay Police Lt. Col. May Genio, Station Commander ng PS 14, kung papanuorin ang video, maririnig na ang uploader mismo ang nagbanggit ng pangalan ni VP Sara nung sinabi ni pantallano na “Si VP” ang dadaan.
Gayunmnan, inihayag ng QCPD na pansamantala muna nilang inalis sa pwesto ang sangkot na pulis habang gumugulong imbestugasyon hinggil dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo