dzme1530.ph

Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

Posible na muling magpatupad ng rollbrack sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Ayon kay Dept. of Energy Assistant Dir. Rodela Romero, tinatayang P2.00 kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina.

Mahigit piso naman ang posibleng kaltas sa kada litro ng kerosene, habang P0.70 kada litro ang tapyas sa presyo ng diesel.

Nitong Martes, nabatid na nagpatupad ang mga oil company ng dagdag-bawas sa presyo ng oil products, na nagresulta sa year-to-date net increase na P15.30 per liter sa presyo ng gasolina, P13.80 per liter sa diesel, at P8.94 per liter sa kerosene. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author