Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng ahensya, bumaba ito sa 4.4% o katumbas ng 2.21 million mula sa 4.8% o 2.27 million jobless Filipinos noong Hulyo.
Bahagya namang tumaas ang employment rate sa 95.6% o 48.07 million mula sa 95.2% noong July, habang umabot naman sa kabuuang 50.29 million individuals sa labor force ang aktibong naghahanap ng trabaho.
Kabilang naman sa limang sub-sector na nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga manggagawa noong Agosto ang fishing and aquaculture, construction, agriculture and forestry, human health and social work activities, at administrative and support service activities. —sa panulat ni Airiam Sancho