May mga bagong oportunidad na binuksan para sa Overseas Filipino Workers sa South Korea at Hungary, ayon sa Department of Migrant Workers.
Inihayag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na sinimulan na ng Pilipinas at South Korea ang pag-uusap para sa pagpapalawak ng employment permit system para sa mga OFW na nais magtrabaho sa Korea at sa paglikha ng bilateral labor agreement.
Sinabi ni Cacdac na nais ng South Korea na magpapasok ng Filipino caregivers sa pilot-run basis subalit sa pamamagitan lamang ng Government hiring facility.
Samantala, bubuksan naman ng Hungary ang kanilang pintuan para sa mahigit 6,000 factory at skilled workers na Pinoy. —sa panulat ni Lea Soriano