dzme1530.ph

Hackers, ini-leak ang mga ninakaw na datos mula sa Philhealth

Sinabi ng DICT na in-upload ng medusa ransomware group ang kopya ng files, pasado alas-4 ng hapon, kahapon, dalawang araw matapos ang deadline para sa ransom payment na $300-K o tinatayang mahigit P17-M

Sa video ng nag-leak na impormasyon, makikita ang mga litrato, bank cards, at transaction receipts ng mga biktima.

Noong September 22 ay inatake ng Medusa ransomware ang PhilHealth, dahilan para mag-shutdown ang online systems ng state health insurer.

Una nang nagbanta ang mga hacker na ilalabas ang datos mula sa ninakaw sa database kapag hindi nagbayad ng ransom ang PhilHealth. —sa panulat ni Lea Soriano  

About The Author