Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Jenny.
Ayon sa PAGASA huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 375 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pakanluran papalayo sa bansa sa bilis na 10 kilometers per hour.
Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na Southwest Monsoon o Hanging Habagat ang magdadala ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa western section ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Sumikat ang araw kaninang 5:46 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:42 ng hapon.