Tinataya na bahagyang bababa sa 35.15% ang bilang ng mga estudyanteng magda-dropout sa mga unibersidad at kolehiyo ngayong school year 2023-2024.
Ito ang sinabi ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera III sa naganap na senate deliberation ng proposed 2024 bugdet ng CHED, kung saan ipinunto ni Senator Sherwin Gatchalian ang tumataas na attrition rate.
Ayon sa senador, nasa 15.90 % lamang ang dropout rate noong school year 2020-2021, subalit sumampa ito sa 37.79 % noong SY 2021-2022, at lalo pang sumirit sa 40.98 % noong SY 2022-2023.
Ipinaliwanag naman ni De Vera na kabilang sa mga dahilan ng pagsipa ng attrition rate ay ang epekto ng COVID-19 pandemic at mataas na halaga ng cost of living. —sa panulat ni Airiam Sancho