dzme1530.ph

Bagyong Jenny, bahagyang humina!

Bahagyang humina ang typhoon Jenny habang nasa ibabaw ng karagatan ng Pilipinas.

Sa latest update ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 330 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes o 340 kilometro sa silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyong Jenny ang lakas ng hanging umaabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 190 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito pa hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Nananatili naman sa tropical cyclone wind signal no. 2 ang Batanes.

Signal no. 1 naman sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern at eastern portion ng Isabela, Apayao, northern portion ng Abra, northern portion ng Kalinga, at ilocos Norte.

Samantala, southwest monsoon o habagat pa rin ang umiiral sa Metro Manila, MIMAROPA, Western Visayas, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at natitirang bahagi ng CALABARZON na magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan.

Habang ang trough ng typhoon Jenny at localized thunderstorms naman ang naka-aapekto sa nalalabing bahagi ng bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author