dzme1530.ph

Franchising industry, inaasahang lalago ng hanggang 13% sa susunod na taon

Inaasahan ng Philippine Franchising Association (PFA) na lalago ang industriya ng 10% hanggang 13% sa susunod na taon, na pasisiglahin ng food, services, at retail segments.

Ang pagtaya ay ginawa ni PFA Chairperson Sheril Quintana, kasabay ng pagsasabing umaasa siyang mapalalawig ang growth rate para sa 5 taong timeline.

Noong nakaraang taon ay nakapagtala ang franchising industry ng P27-B na revenue, dahilan para itakda sa 13% ang revenue growth ngayong 2023.

Inihayag naman ni PFA President Chris Lim na isa sa malaking drivers ng industry ngayong taon ay pagkain habang ang services ay inaasahang makarerekober sa susunod na taon makaraang bumagal dahil sa pandemic. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author