dzme1530.ph

Comelec, ikinakasa na ang mga reklamo laban sa vote-buying at vote-selling

Bukod sa premature campaigning, pinag-aaralan din ng Comelec ang 40 reklamo ng vote-buying at vote-selling para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oct. 30.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ikinakasa na ng Committee on Kontra Bigay na pinamumunuan ni Commissioner Ernesto Maceda Jr. ang paghahain ng mga kasong kriminal laban sa mga sangkot sa vote-buying at vote-selling.

Aniya, dalawa sa disqualification cases na inihain ng poll body bunsod ng premature campaining ay sangkot din sa vote-buying.

Tiwala naman si Garcia na kung agad mareresolba ng Comelec ang disqualification cases bago ang campaign period ay posibleng maiwasan ang vote-buying at -selling. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author