dzme1530.ph

Internet voting sa mga OFW para sa 2025 elections, isinusulong ng COMELEC

Patuloy na isinusulong ng Commission on Elections ang pagpapatupad ng internet voting sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs) para sa 2025 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, napapanahon na para gamitin ang internet upang matiyak ang transparency at auditability ng buong proseso at sistema.

Aniya, nagsagawa na rin ng mga pag-aaral ang ahensya at kanilang natukoy na hindi kailangan ang batas upang mag-implementa ng bagong paraan sa pagboto.

Nabatid na isa sa layunin ng internet voting ang mapataas ang voter turnout.

Noong 2022, bahagyang tumaas sa 34% ang bilang ng mga Pilipinong bumoto sa abroad mula sa 31% noong 2019. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author