Marami sa atin ang hindi na kinakain ang saging kapag overriped na o kapag nakitang hindi na maganda ang balat nito at malambot na.
Kapag naging overripe ang saging, nababago ang nutrient content nito. Subalit hindi ito nangangahulugan na naiwala na ng prutas ang kanyang nutritional benefits.
Sa kabila ng pagiging sobrang hinog, malaki pa rin ang makukuhang pakinabang ng katawan sa overriped banana, ayon sa Cornell University College of Human Ecology.
Mayaman ito sa anti-oxidants dahilan para maiwasan ang cell damage, nagpapababa rin ito ng blood pressure, nagbibigay ng ginhawa sa mga nakararanas ng heartburn, nakatutulong upang maiwasan ang anemia at cancer, energy booster, pinalalakas ang cardiovascular health, mainam sa mga mayroong ulcer at constipation, nalilimitahan ang Premenstrual Syndrome (PMS) sa kababaihan, at lunas din ito sa depresyon. —sa panulat ni Lea Soriano