dzme1530.ph

Karagdagang $600-M loan para sa digital transformation ng Pinas, approved na sa Word Bank

Inaprubahan ng World Bank ang $600-M loan para suportahan ang karagdagang adoption ng Pilipinas sa Digital Technology.

Binigyan ng thumbs up ng Board of Executive Directors ng World Bank ang unang Digital Transformation Development Policy Loan (DPL) ng bansa upang tulungan ang pamahalaan na ma-digitize ang operations at service delivery, at isulong ang pag-adopt sa digital payments at financial services.

Makatutulong din ito sa pag-facilitate ng mga reporma para i-promote ang e-commerce; palakasin ang kompetisyon at value-added activities sa digital services markets; at paghusayin ang skills development sa industriya.

Binigyang diin ng World Bank na ang malawakang pag-adopt sa digital payments sa Pilipinas ay mahalaga para sa pag-unlad ng digital economy, na pakikinabangan ng milyun-milyong mamamayan at maliliit na negosyo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author