Sumampa na sa mahigit 1-K ang naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa gun ban na ipinatutupad kaugnay ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, umabot na sa 1,063 ang gun ban violators na dinakip, as of September 28.
Sa mga inaresto, 1,017 ang sibilyan habang ang natitira ay mga miyembro ng law enforcement, security guards, at elected government officials.
Nakakumpiska naman ang mga otoridad ng 650 armas.
Nilinaw ni Fajardo na ang kanilang datos sa gun ban ay hindi lamang sa checkpoints nahuli dahil kasama rin aniya ang mga suspek na subject sa police operations. —sa panulat ni Lea Soriano