dzme1530.ph

Presyo ng itlog, tumaas dahil sa nalalapit na kapaskuhan

Tumaas ang presyo ng itlog bunsod ng mababang supply at mas mataas na demand kaugnay ng nalalapit na kapaskuhan.

Ayon kay United Broiler Raisers Association at Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio San Diego, umakyat ng P0.20 hanggang P0.30 ang farmgate prices ng itlog ngayong linggo kumpara noong nakaraang linggo.

Dahil dito, ang farmgate prices ng medium-sized egg ay tumaas sa P6.55 mula sa dating P6.35.

Iniugnay ni San Diego ang mababang supply sa mga nagdaang bagyong egay at goring na nakaapekto sa poultry industry sa Norte, pati na ang epekto ng bird flu na tumama sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author