Tumaas sa ikatlong sunod na buwan ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong Oktubre.
P3.75 kada kilo ang idinagdag ng Petron sa kanilang LPG, simula kahapon.
Nadagdagan naman ng P2.09 ang kada litro ng kanilang AutoLPG.
Ang solane-branded LPG ay nagpatupad din P3.73 per kilo habang ang iba pang oil retailers ay hindi pa nag-a-anunsyo ng kani-kanilang price adjustments.
Ayon sa oil companies, ang dagdag-presyo ay repleksyon ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Oktubre. —sa panulat ni Lea Soriano