Hinikayat ni Sen. Chiz Escudero ang Pilipinas at China na isantabi ang kanilang political differences at sa halip ay magtulungan para mapaghusay ang ugnayang pangekonomiya.
Ginawa ni Escudero ang panawagan sa mga Filipino at Chinese businessmen sa kanyang keynote speech sa Philippine Investors’ Roadshow na ginanap sa Beijing kamakailan.
Binigyang-diin ng senador ang pangangailangan sa mga business leader’s ng dalawang bansa na isantabi muna ang mga isyung politikal at sa halip ay mag focus sa trade at investment relations na aniya’y isang napakahalagang aspeto sa Philippine-Sino bilateral ties.
Ayon kay Escudero, sa kabila ng territorial differences ng dalawang bansa, importante aniya na makilala na ang economic cooperation ay may mahalagang papel para pagugnayin ang mga namumuong agwat sa pagitan ng Pilipinas at China at sa pagkakaroon ng matiwasay na kinabukasan.
Naniniwala si Escudero na ang mga ganitong dayalogo at kooperasyon ay essential o mahalaga para magkaroon ng common ground o pagkakaisa para sa kapakinabangan ng bawat isa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News