dzme1530.ph

Comelec, pumirma ng kasunduan sa DNP, AFP para palakasin ang kanilang kooperasyon sa October 30 BSKE

Lumagda ang Comelec ng Memorandum of Agreement kasama ang Department of National Defense at ang Armed Forces of the Philippines upang pagtibayin ang kooperasyon para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa press conference, tinukoy ni Comelec Chairman George Garcia ang private armies at terror groups sa mga potensyal na problema na kailangang buwagin ng DND at AFP.

Sinabi ni Garcia na sa bahagi ng Comelec, wala dapat private armed groups sa nalalapit na halalang pambarangay.

Nais din aniya na tugunan ang posibleng impluwensya ng mga teroristang grupo, gaya ng Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah sa October 30 elections.

Idinagdag ng Poll chief na ilang kaanak ng mga naturang grupo ang tumatakbo para sa Barangay at SK positions. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author