dzme1530.ph

50% ng mga Pinoy, hindi kuntento sa K to 12; 89%, mas nais na Hunyo hanggang Marso ang school calendar

50% ng mga Pilipino ang hindi kuntento sa kasalukuyang K to 12 basic education program habang 89% ang mas nais na Hunyo hanggang Marso ang pasukan sa mga paaralan, batay sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa second quarter 2023 SWS survey na nilahukan ng 1,500 adult respondents, lumitaw din na 39% ang kuntento, 9% ang undecided, habang 2% ang walang sapat na kaalaman sa K to 12 program upang ihayag ang kanilang mga opinyon.

Para naman sa panahon ng pagbubukas at pagsasara ng klase, 10% ang nagsabing mas gusto nila na September to June ang academic year habang nasa 1% ang walang preference.

Una nang inihayag ng Department of Education na tatlong taon ang kailangang hintayin bago maibalik ang dating school calendar na ang summer vacation ay sa Abril hanggang Mayo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author