dzme1530.ph

2,000 sari-sari store owners, napaabutan na ng P15,000 cash assistance

Umabot na sa humigit-kumulang dalawanlibong sari-sari store owners na apektado ng mandated price ceiling sa bigas ang napaabutan ng P15,000 cash assistance ng Dep’t of Social Welfare and Development.

Ayon kay DSWD sec. Rex Gatchalian, sa pagsisimula ng cash aid distribution noong Lunes ay nasa 2,000 benepisyaryo na ang tumanggap ng sustainable livelihood program assistance.

Aminado naman si Gatchalian na mas mabagal ang pamamahagi ng cash aid sa sari-sari stores dahil marami sa kanila ang walang business permit,

Kaugnay dito, nagtutulungan umano ang Dep’t of Trade and Industry at Dep’t of the Interior and Local Gov’t sa masusing pagtukoy sa mga benepisyaryo, at kanilang aalamin kung totoong nagtitinda ang mga ito ng bigas.

Samantala, sinabi rin ng kalihim na nakapaglabas na sila ng kabuuang P100 million para sa kabuuang 7,000 rice retailers, at inaasahang madaragdagan pa ito habang nagpapatuloy ang DTI sa pagsu-sumite ng listahan ng mga benepisyaryo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author